Panalangin para sa Inaasam

Kanan, kaliwa,

Nagmamartsa na, kahit noong simula pa lamang

At patuloy pa rin habang may araw na sumisikat

 

Bumabaon ang aking mga paa

Sa matabang lupa

Na nagbubunga ng halu-halong ani,

At magaspang na ang aking balat

Hanggang bukung-bukong,

Ngunit umaraw, umulan,

Palaging may yapak na kasunod –

May hindi maipaliwanag sa pagsisikap

May hindi mahagilap sa abot-tanaw

 

“Sana, sana…”

Di mabitiw ang susunod

 

Matamis ang hangin

Na dumadaplis sa napawisang pisngi

At malamig ang ulap

Kung sa’n kami ng aking anino’y

Sumisilong sa sidhi ng araw

Minsang tumingala –

Paano nalalaman ng ibon kung saan sila patungo?

 

Naririnig ba ako ng langit?

 

Tumatakbo na ako’t

Tumatalon –

Hanggang saan pa ang ilalakad

Bago malaman, sa wakas,

Nakarating na?

 

Kanan o kaliwa –

Saan ang hantungan?

Baka mali ang pintuang kinatukan,

O natabunan ang hinahanap

Baka mali ang pagbasa ng mapa’t himpapawid

O nakaligtaan ang sinasadya

 

Umuungol ang mga binti,

Nagbabantang bumigay ang mga tuhod,

Nadudurog ang talampakan,

At hinuhugot sa puso ang bawat tadyak

Habang naghahabol

Upang makaabot lamang

Ang aking mga sigaw sa lumulubog na araw

 

Makakasapit ba ang hinaing?

Maaari bang malampasan ang tadhana?

 

‘Pag naubos ang lakas

At sumabay ako sa pagbagsak ng dilim,

Magpapakita ba ang mga bituin?

 

Makikilala ba,

‘Pag siya na’y naharap –

Mata sa mata, mukha sa mukha –

Ang Kanlungang kukupkup sa’king kanan at kaliwa,

At magsasabing “Nakauwi ka na”?

 


 

For every time you have doubted your purpose, your destiny, or the worth of your work.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s