The Snippet Series #7: Iba

I still remember having to explain this poem part by part to Aya. It’s fun, deconstructing my own poem and showing others all the cool little easter eggs and things I hid in it.

However, I must warn the reader that I still can’t seem to get the formatting right here. This poem has probably one of my most complex formatting schemes, and I tried to translate it to wordpress. I don’t think it comes across very clean, but I’ll consider it an experiment for now.


 

Maraming beses na lumingon ako upang masdan muli ang di kilala.

Maraming ngiting nagpatibok ng puso ko at nagpapasmado sa’king kamay

 

Ah yeah, I remember you from the orientation.

He never pronounces your name right.

Nag-cut ka kanina, ‘no?

I like your hair. It has character.

 

Marami akong katuwang sa tuwaan.

Maraming nakikipag-usap, nagdadala ng kuwento ng saloobin.

 

Anong nangyari? HAHAHA ganoon ba? At tapos?

UY MAY KWENTO NGA PALA AKO.

Paalis na ako, text na lang. Pasahan kita ng load.

I should come with a warning label. Caution: PUNTASTIC.

 

Mabibilang ba ang tinginan? Ang mga pasimpleng ngiti?

Malilista ba ang patakas na pakikipagkita?

 

‘Wag mong isipin ‘yon, baka ang dahilan ay…

Sometimes you’ve got to ask yourself the right questions.

‘Wag kang magalala, dito lang ako.

I won’t tell a soul.

 

Maitatala ba ang mga pangalan?

Eh ang alaala ng bawat isa?

 

There are different flavors

To match my mood

There are different puzzle pieces

To complement the sides of me

Or perhaps

Baka ang totoo’y ako ay nagbabalimbing?

Maaari bang gapos ang aking liberalidad?

That’s different, he’s harmless!

At marupok ang aking salita?

You’re my best friend.

Sa aking tauspusong pagbibigay, mayroon bang pusong naiwan?

Puso

Pa

Nga

Ba

Ang binabahagi?

 

Wala naman akong masamang nais.

Mukha namang masaya sila sa pagsasama.

Naaasikaso ko pa naman ang sarili, kaibigan at kinabukasan.

Wala naman silang hinihingi na nahihirapan akong ibigay.

Ngunit

Bakit

Pakiramdam ko’y

Naghuhugas ako ng kamay?

 

‘Di ba’t mabuti ang balak ko –

Pasayahin sila, ipadama na may nag-aalala

Kung maayos buhay nila, kung ano iniisip nila,

Kung ano nais nila at saan sila pahantong?

Ngunit

Bakit

Naaantala

Ang aking budhi?

Sapat ba na ibinibigay ko ang aking oras?

Ang aking pagtawa at pagyakap at pagdasal?

 

No.

 

You’re selling them short.

 

You’ve given them your quick wit and sweetest giggles,

Your boundless interest and star bright eyes,

Your questions and your answers,

Your stories and make-believe,

Your spontaneity and daring,

Your acceptance and kindness,

Your encouragement and well-wishes.

 

The shimmer of you.

 

Ngunit hindi mo binigay ang iyong sarili.

 

May pagkakaiba sa tuwa’t galak;

Kuryosidad sa namamanghang pagtaka;

Pag-alam at pagsagot sa palitang-usap;

Pagkakataon at pagkukunwari sa kasaysayan at pangarap;

Pagkapusok sa tapang o pagtataya;

Pagtanggap at kabutihan sa pagkakabukas at pagaalay;

Pagbigay ng mga salita ng pag-asa sa masinsin na pagtiwala.

 

At ang mga iyon

Na kinukubli datapwat tinutuklas pa lamang

Ay ang nagpapaiba sa kaniya sa madla.

 

Nagugugol ako sa karamihan, sa iba

Sa kaniya’y nabubuo,

Natatatag,

Nag-uumapaw –

Wala ang bigat ng matitingkad na colorete

At malaya ang loob sa kahubaran

 

Ngunit

Nariyan

Pa rin

Ang

Echo

Ng

Mga

 

 

Iba

Advertisements

The Snippet Series #6: Hangin

Hurrah for my first ever non-school required Filipino poem! Wrote this the weekend before APEC week, and then edited it on Wednesday of that week (so it took roughly three days in the making). It took me much longer than usual because of the language and the balance I was seeking in the poem.

I don’t usually speak Filipino, so I feel like there are some words and sentence structures that could be a bit off. But I chose the language because I just woke up that Saturday with the first two verses in my head, and I was restless the entire time until I finished on Wednesday.


Minsa’y di kita naiintindihan

Ang totoo’y ganito ito kadalasan;

Nakikipagkuwentuhan tayo’t nakikipagtawanan,

At kadalasa’y pakiramdam ko’y

Nakikipagbahagi na rin tayo ng ating pagkatao –

Binubuhos hangga’t halos matunaw at maghalo,

Hangga’t nakapag-uusap nang wala nang gamit na salita;

Ngunit sa saglit na yayakapin kita –

O kahit madadaplis man lamang –

Lumalayo ka.

Nagtatago.

Nanlalamig;

Dahil sa mga dahilang di ko mahagilap,

Katuwirang nagmamatigas kang banggitin,

At mga Bakit na tila bang walang sagot.

Natatakot ka ba na sa pagyapos ko sa’yo’y

Nasasaklaw ang iyong pagkatao?

Napakalaking balintuna, sapagkat

Noo’y ikaw lagi ang lumalapit, naghahanap,

Tumitingin, nananatili, nagsasadya.

Hangin ka ba’t humahaplos, bumabalot

At umaalis na lang bigla

Ng walang tanda, ni pahintulot –

Di natitiyak ang Kailan ng pagdating

O kaya’y ng paglayas muli?

Gayumpaman

Datapwat di nahuhuli ang hangin

Alam nating may hangin pa rin kahit di nakikita,

Namamarati kahit di nararamdaman,

Umiiral kahit may ibang hinaharap,

At ‘pag nawala’y babalik din balang araw

Gaya ng pabulong na halik ng amihan

Ganoon tayo.

Ilang beses ko nang naranasang

Mabitin at maiwan sa ere,

Subalit sa mga dahilang di ko mahagilap

At katuwirang nagmamatigas akong aminin

Naniniwala akong nariyan ka pa rin –

Sa mga nahuhuling iglap na ika’y lumalapit,

Naghahanap, tumitingin, sumasadya –

At nananatili na rin siguro

Sa mga salita’t bagay na ginawa mong iyo

Sa alaala’t diwa.

 

Balang araw magkakahugis ang hangin,

At kahit hindi ko masasagot ang iyong Bakit,

O matitiyak ang iyong Kailan –

Kahit lahat ay nakasalalay sa baka-sakali –

Kahit magkatuluyan man ang kinalulungkutan –

 

Maiintindihan ko ang lahat.